Collection: Romelie Ramos
Isinilang noong Nobyembre 20, 1974 si Romelie Ramos sa Isla ng Pamarawan sa dulong baranggay ng Bayan ng Malolos, Bulcan. Bata pa lamang ay mahilig na syang gumuhit at lumikha ng sarili nyang laruan mula sa mga naaanod na basura mula sa ilog. Isa siyang Edukador. Nagturo sya sa Elementarya sa loob ng 7 taon at naglingkod ng 14 na taon bilang Punong Guro sa mga pampublikong paaralan.
Matapos ang higit sa 3 dekada ay binalikan niyang muli ang kanyang unang pag-ibig ang Sining ng Pagpipinta ng mga panahong dumaranas siya ng labis na kalungkutan at pangamba noong panahon ng pandemya. Sa kasalukuyan ay aktibo sya sa Sining sa patnubay ng mga beratong pintor at manlilinok ng Bahaghari ng Malolos Samahang Sinig Biswal.